Photo courtesy of Leyte Representative Richard Gomez FB
Humingi ng paumanhin si Leyte Representative Richard Gomez sa nangyaring insidente sa pagitan nila ni Philippine Fencing Association President na si Rene Gacuma, noong 2025 Southeast Asian Games sa Thailand.
Sa kaniyang privilege speech sa plenaryo, sinabi ni Gomez na ang insidente ay nakasira sa imahe ng Kamara de Representantes.
Batay sa CCTV footage, hinampas umano ni Gomez si Gacuma sa likod ng ulo matapos alisin sa kompetisyon ang fencer na si Alexa Larrazabal.
Ayon kay Gomez, pinagsisisihan niya ang kaniyang ginawa at humingi siya ng paumanhin sa Kamara at sa kaniyang mga kasamahan.
Gayunman, iginiit niyang hindi nito mababago ang kaniyang paniniwalang nawalan ng pagkakataon ang isang pambansang atleta na makapag-uwi ng posibleng gintong medalya para sa bansa.
Patuloy din aniya niyang ipaglalaban ang kapakanan ng mga national athlete.