Inilunsad ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development o DOH-MMCHD, katuwang ang Department of Education (DepEd), at mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, ang Bakuna Eskwela 2026 para protektahan ang mga mag-aaral laban sa mga nakahahawang sakit.
Sinimulan ang sabay-sabay na libreng pagbabakuna sa mga piling paaralan sa Valenzuela, Makati at Las Piñas.
Target ng programa na mabakunahan ang 95 porsiyento ng mga mag-aaral sa Grade 1 at Grade 7 laban sa tigdas, rubella, tetanus at diphtheria.
Layunin ding maabot ang 90% ng mga kwalipikadong babaeng mag-aaral sa Grade 4 at Grade 5 para sa HPV vaccine na nagbibigay-proteksyon laban sa cervical cancer.
Magpapatuloy ang school-based vaccination mula Oktubre hanggang Disyembre, ngayong taon.
Tiniyak naman ng DOH-MMCHD na ligtas at de-kalidad ang mga bakuna at ibinibigay lamang ng kwalipikadong health workers.