Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isa sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre ang nangangailangan ng emergency medical evacuation kahapon, Oktubre 8.
Batay sa impormasyong ipinabatid ng AFP, dahil ito sa “prior medical condition” ng naturang personnel.
Sinasabing nabigyan ng inisyal na atensyong medikal ang naturang sundalo, subalit kagyat namang naisaayos ng AFP at Philippine Coast Guard ang paglipat dito sa isang medical facility.
Sa panayam naman ng Defense Press Corps kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea, retired RAdm. Vincent Trinidad, may indicators umanong appendicitides ang sakit ng Navy personnel, pero hahayaan aniya ang mga doktor na magsabi nito.
Nitong Setyembre 24, sinuspinde ng AFP ang dapat sana’y rotation ng tropang nakadestino sa Ayungin Shoal dahil sa harassment ng mga barko ng China.