Wala umanong kinalaman sa nagpapatuloy na impeachment trial ang paglipat ni Senator Mark Villar sa Majority Bloc ng Senado.
Ayon kay House Trial Spokesperson Zia Alonto Adiong, isa itong panloob na usapin ng Senado bilang isang legislative body.
Naniniwala naman si Prosecution adviser Ace Barbers na dahil 24 lamang ang bilang ng mga senador, kailangang mapunan ang mga bakanteng committee chairmanship.
Aniya, dahil si Villar ay dating kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), natural lamang na mapunta sa kanya ang pamumuno sa Committee on Public Works.
Giit pa niya, normal na bahagi ng dynamics sa Mataas na Kapulungan ang paglipat sa pagitan ng mayorya at minorya, may impeachment man o wala.