Muling nangangako ang hari ng Eswatini na patitibayin pa ang matagal nang pagkakaibigan at ugnayang diplomatiko ng kanilang bansa kasama ang Taiwan sa gitna nang patuloy na pagtutol ng China sa opisyal na pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa isla.
Sa pagbisita ni Haring Mswati III sa Taiwan, iginiit nito ang kaniyang suporta sa rehiyon at binigyang-diin ang kahalagahan nang pagpapanatili ng matatag na ugnayan sa pagitan ng dalawang panig.
Inaasahan din siyang dadalo sa national day celebrations ng Taiwan.
Ang Eswatini, isang bansa sa Timog Africa, ay kabilang sa 12 bansa na nagpapanatili ng pormal na relasyong diplomatiko sa Taiwan.
Ito rin ang nag-iisang kaalyado ng Taiwan sa kontinente ng Africa.
Samantala, ipinahayag naman ni Taiwan President Lai Ching-te ang pagpapahalaga sa tiwala at suporta ng Eswatini.
Patuloy namang tinututulan ng Beijing ang mga hakbang na kumikilala sa Taiwan bilang hiwalay na estadong may sariling ugnayang diplomatiko.