Welcome sa Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkakalusot sa Senado ng panukalang batas na magpapalakas naman ng suporta sa mga magbabalik-bayang Overseas Filipino Worker (OFW).
Ayon sa DMW, ito ay makaraang lumusot na sa Senado ang Senate Bill 2423 o mas kilala bilang “Bagong Balikbayang Manggagawa Act.”
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, layunin nitong magtatag ng organisado gayundin ng pangmatagalang sistema ng reintegration para sa mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya.
Sa ilalim nito, palalawakin ang mga programa para sa edukasyon at skills development, psychosocial support, entrepreneurship, at kabuhayan.
Gayundin ang employment facilitation para mabigyan ng kaalaman, kalinga, trabaho, negosyo, at iba pang oportunidad ang mga OFW.
Nagpasalamat naman si Cacdac kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsertipika rito bilang urgent priority measure na siya namang nagpapakita ng pangangailangang palakasin ang suporta sa mga OFW hanggang sa kanilang pagbabalik.