Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa world business leaders ang tuloy-tuloy na pag-angat ng Philippine exports mula 2022.
Sa pagharap ng Pangulo sa 24th Forbes Global CEO Conference sa Singapore, sinabi nitong pumapalo sa increase average na 23% hanggang 24% ang mga produktong iniluluwas ng Pilipinas.
Ito ay sa nagdaang apat na taon kung kailan nagsimula ang Marcos Administration.
Nagpapakita lang ito sabi ni Pangulong Marcos sa harap ng mga business leaders sa buong mundo, na nasa tamang direksiyon ang ekonomiya ng Pilipinas.
Para sa mga eksperto, ang patuloy na paglago ng exports ay positibong senyales para sa ekonomiya dahil nangangahulugan itong lumalawak ang merkado ng mga produktong Pilipino sa ibang bansa, na maaaring maghatid ng dagdag na kita, trabaho at foreign exchange sa Pilipinas.