Hinikayat ni United Nations (UN) Resident Coordinator in the Philippines Arnaud Peral ang agarang pagpapabilis sa clean energy transition at pagpapalakas ng climate action sa bansa kasunod ng ginanap na Asia ACT Forum 2026.
Sa kanyang talumpati, iniugnay ni Peral ang energy security sa mga pangunahing layunin ng bansa sa klima.
Binigyang-diin niya ang ang napakataas na antas ng oil dependency ng Pilipinas sa imported na langis, kaya naman kinakailangan ang mahigpit na pagtutok sa mga itinakdang Renewable energy targets na 35 percent sa 2020 at 50 percent naman sa 2040.
Ibinida rin ni Peral ang patuloy na paglago ng renewable energy mix sa bansa, kung saan lumampas na sa 20 gigawatts ang kabuuang kapasidad na nai-award sa pamamagitan ng mga auction, kasama na ang iba’t ibang proyektong nakahanay hanggang sa taong 2035.
Ipinahayag din niya ang buong suporta ng United Nations sa iba’t ibang programa ng Pilipinas, kabilang ang:Offshore wind permitting at smart grids, energy planning, storage, at market reforms, Industrial efficiency at electric vehicle (EV) strategies, Community resilience at regional planning at Workforce apprenticeships at social protection.
Layunin ng mga hakbang na ito na matiyak ang matatag, napapanatiling, at inklusibong hakbang ng bansa tungo sa ligtas at malinis na hinaharap sa enerhiya.