Pursigido si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas palakasin pa ang logistics infrastructure ng Pilipinas.
Itoy upang mas maging mabilis ang galaw ng mga produkto at mapalawak ang oportunidad ng mga lokal na negosyo na makapasok sa international market.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na sa pamamagitan ng episyenteng logistics infrastructure ay mas mapapabilis ang paghahatid ng mga produkto habang mababawasan din ang mga hamon sa transportasyon at logistics.
Dagdag ni Castro na sa pagsusulong na ito ng Pangulo ay hagip nito ang pagpapalakas ng ekonomiya at makalikha pa ng mas maraming oportunidad sa negosyo at trabaho.
Sa ikalawang araw ng working visit ng Pangulo ay nakipag- pulong ito sa American logistics giant na FedEx na nagpalawak pa ng kanilang operasyon sa Pilipinas kasunod ng malaking expansion project nito sa Clark Gateway Hub nitong nagdaaang Mayo.