Alas diyes ng umaga inaasahan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa Singapore Nuclear Research and Safety Institute.
Bahagi ito ng 5 day working visit ng Punong Ehekutibo sa Singapore sa imbitasyon na din ng Temasek Foundation at Ayala Corporation.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ang pagbisita ng Pangulo ay bunsod na din ng pagiging bukas ng Punong Ehekutibo sa paggamit ng enerhiyang nukleyar sa gitna na din ng patuloy na pagtaas sa presyo ng kuryente
Batid aniya ng Pangulo na marami ng bansa ang gumagamit ng nuclear energy subalit kaakibat nito sabi ni Castro ay masusing pag- aaral sa ngalan na din ng safety.
Ang nais aniya ng Chief Executive , mapalakas ang suplay at mapababa ang binabayarang kuryente ng mamamayan.