Photo courtesy of Presidential Communications Office
Inaasahang mananatiling abala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa huling bahagi ng kanyang working visit sa Singapore.
Schedule ng Pangulo ngayong araw ay ang bilateral meeting nila ni Singapore Prime Minister Lawrence Wong kung saan ay inaasahang mapag- uusapan ang ibat- ibang larangan gaya ng patungkol sa energy security, pamumuhunan, agham at teknolohiya at iba pa.
Nakatakda ding daluhan ng Pangulo ang ilang business meetings habang haharap din ito sa mga mamamahayag upang sagutin ang mga katanungang may kaugnayan sa kanyang working visit at iba pang local issues.
Bago ito, dumalo ang Pangulo sa ika-24 na Forbes Global CEO Conference kung saan nakipagdayalogo siya sa mga pangunahing lider ng negosyo, mamumuhunan at eksperto mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Bumisita rin si Pangulong Marcos sa Singapore Nuclear Research and Safety Institute upang alamin ang karanasan at kaalaman ng Singapore sa pananaliksik, teknolohiya at kaligtasan ng nuclear energy.