Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na babagal ang produksyon ng agrikultura sa ikalawang kalahati ng taon dahil sa banta ng El Niño.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sapat pa ang suplay ng pagkain at nananatiling matatag ang presyo sa ngayon.
Gayunman, posibleng tumaas ang presyo ng pagkain kapag nagtagal ang tagtuyot at bumaba ang ani ng mga magsasaka.
Dagdag ng kalihim, ang pagtaas ng presyo ng ilang produktong pagkain ay bahagyang dulot din ng paghahambing sa mas mababang presyo noong nakaraang taon.
Bilang tugon, pinalalawak ng DA ang suporta sa irigasyon, binhi at pataba, gayundin ang KADIWA ng Pangulo, upang mapanatili ang suplay at makatulong na mapigilan ang pagtaas ng presyo.