Pinabulaanan ni Deputy Speaker Paolo Ortega na pinunpuntirya ng House Prosecution Panel ang asawa ni Vice Preaident Sara Duterte sa nagpapatuloy na impeachment trial sa Senado.
Ayon kay Ortega, ang pagsusuri sa kanyang pinansyal na estado ay kaugnay lamang ng kanilang conjugal property dahil sila ay kasal.
Ito ang tugon ni Ortega sa pahayag ni Carpio na tila ginagawa siyang “collateral damage” sa paglilitis.
Paliwanag naman kay House Prosecutor at Bukidnon 2nd District Representative Jonathan Keith Flores, ang mga pag-aari at interes sa pananalapi ni Carpio ay direktang may kinalaman sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng Bise Presidente.
Aniya, ang proseso ng impeachment ay nakatuon lamang kay VP Duterte at hindi kay Carpio, dahil hindi naman ito isang impeachable officer.
Nitong nakaraang mga paglilitis, nailabas ng House prosecution team ang iba’t ibang dokumento at rekord ng pananalapi nina Duterte at Carpio—kabilang ang mga bank transaction, tax declaration, at property document—bilang bahagi ng usapin ng hindi maipaliwanag na kayamanan (unexplained wealth).