Patuloy ang pagsusumikap ng Department of Transportation (DOTr) na pahusayin ang railway sector sa pamamagitan ng Philippine Railways Institute (PRI).
Ito’y ayon sa DOTr ay para sa maayos at ligtas na pangangasiwa ng operasyon at maintenance ng mga tren sa bansa.
Ayon kay Transportation Secretary Banoy Lopez, nagagamit ang competencies o kaalamang itinuturo ng PRI sa mga kasalukuyan at future railway personnel para matiyak na maayos, ligtas, at episyente ang major railway operations.
Mula nang itatag ang PRI noong 2019, halos 5,000 railway personnel sa LRT-1, LRT-2, MRT-3, MRT-7, at PNR ang nakapagsanay na kasama ang service provider workers.
Partikular na hinasa ang mga ito sa kaligtasan sa riles, tracks, building, station, power supply, signaling, rolling stock, passenger management, ticketing system at train driving.
Samantala, tiniyak naman ng PRI na may trabahong naghihintay para sa mga nagtapos sa kanilang institusyon sa mga kasalukuyang rail lines at iba’t ibang rail projects sa bansa.