Hinamon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director, Atty. Melvin Matibag si Vice President Sara Duterte na diretsahan na lang sagutin ang mga isyu kaugnay ng mga alegasyon ni dismissed police officer Rodulfo Gracioso Jr.
Ito ang naging tugon ni Matibag matapos sabihin ng Bise President na handler na umano ni Gracioso ang NBI.
Ani Matibag, makabubuti na manggaling na mismo sa bibig ng Bise Presidente ang mga paglilinaw sa pamamagitan ng pagdalo nito sa imbitasyon ng NBI.
Hindi kasi nakatutulong ang ginagawang name-calling ng ikalawang Pangulo na hindi maituturing na maayos na pagtugon.