Kasali na ang Rockwell Land Corporation sa Expanded 4PH Program ng gobyerno para sa abot-kayang pabahay.
Pormal na lumagda sa kasunduan ang Rockwell at Pag-IBIG Fund ngayong Martes sa Makati City.
Mag-aalok ang Rockwell ng mga housing unit na may diskuwento at iba pang insentibo para sa kuwalipikadong miyembro ng Pag-IBIG.
Magbibigay naman ang Pag-IBIG Fund ng housing loans at gabay sa mga miyembrong nagnanais magkaroon ng sariling tahanan.
Ikaanim ang Rockwell sa mga nangungunang developer na sumali sa programa. Layunin ng DHSUD na palawakin ang access sa de-kalidad at abot-kayang pabahay para sa mga Pilipino.