Pwedeng umabot sa ₱1.5 bilyong piso ang diumano’y hindi maipaliwanag na yaman ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang ibinunyag sa Senado ng witness ng prosekusyon na si forensic financial expert na si Atty. Alexander Cabrera sa ika-38 araw ng impeachment trial ng Bise Presidente.
Malaki ito kumpara sa naunang inilabas na ₱817.87 million sa report, dahil mas conservative pa raw ang ginamit na pormula roon.
Ipinaliwanag ni Cabrera na kapag isinama ang ₱475 million na confidential funds, karagdagang ₱100 million sa financial discrepancies, at mga transaksyon sa GenCorp Industries Inc., doon pa lamang lalabas ang humigit-kumulang ₱1.5 billion na posibleng kabuuang halaga mula 2022 hanggang 2025.
Giit naman ni Senator Judge Chiz Escudero, kahit pa tanggalin ang mga pondo ng tatlong kumpanyang inuugnay sa mag-asawang Duterte at Carpio, may lalabas pa ring ₱463.05 million na gap sa kanilang mga bangko bagay na dapat maipaliwanag sa SALN. | ulat ni Melany Reyes