Pinagbabayad ng Social Security System (SSS) ang limang employers sa Pasay City ng kabuuang ₱3.19 million na unpaid contributions at penalties.
Sa naturang halaga, ₱1.14 million ang hindi na-remit na kontribusyon habang ₱2.05 million naman ang penalties.
Pinakamalaki ang utang ng isang restaurant na umabot sa ₱2.25 million para sa kontribusyon ng 35 empleyado.
Binigyan ang mga employer ng 15 araw upang makipag-ugnayan sa SSS at bayaran ang kanilang pagkakautang.
Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Robert Joseph de Claro, maaaring maapektuhan ang pag-
avail ng mga benepisyo at loan programs ng mga miyembrong hindi updated ang contributions.
Nagbabala rin si de Claro sa ahensya na maaaring sampahan ng kaso ang mga employer na hindi tutupad sa kanilang obligasyon sa ilalim ng Social Security Act of 2018.