Mahalaga para kay bagong Presidential Communications Office (PCO) Secretary Lino Cayetano ang face to face communication para maipabatid sa publiko ang mga ginagawa ng gobyerno.
Ayon kay Cayetano, kasama dito ang pakikipag-usap sa media at iba pang stake holders na kanilang aabutin para maiparating ang mga programa ng pamahalaan.
Dadaan ani Cayetano sila sa mga local government, mga barangay, pati na sa simbahan.
Oo’t nasa digital era na aniya ang paghahatid ng impormasyon subalit naniniwala siya na malaking bagay pa din sa ating mga kababayan na personal nilang nadidinig ang mensahe ng gobyerno.
Dagdag ni Cayetano, na bukas din siya sa anumang suhestiyon at handang makinig sa kung paano mas epektibo pang maihahatid ang kailangang impormasyon sa taumbayan.