Photo courtesy of the Department of National Defense
Binigyang-diin ni Japanese Ambassador to the Philippines Katsuro Kitagawa ang matatag na ugnayan at commitment ng Pilipinas at Japan para sa kapayapaan, katatagan, at kasaganahan sa rehiyon, kasabay ng panawagan para sa mas malalim na kooperasyon sa mga kaalyado at partner countries.
Sa kanyang talumpati sa 72nd anniversary celebration ng Japan Self-Defense Forces na ginanap sa Makati nitong Miyerkules, ipinahayag ni Kitagawa na kinakailangang magtulungan ang mga bansa nang may buong paninindigan upang makamit ang kanilang mga layunin.
Bukod dito, binanggit din ni Kitagawa ang revised defense equipment transfer policy ng Tokyo.
Ayon kay Ambassador Kitagawa, bahagi ito ng hakbang ng Tokyo upang mapalakas ang resilience measures at higit na makapag-ambag sa regional security.