Mas pahuhusayin pa ng Office of Civil Defense Operations Service at OCD CALABARZON ang koordinasyon para sa mas mabilis at maayos na pagtugon sa sakuna.
Ito ang layunin ng pagbisita ni OCD Operations Service Director Moises Nayve Jr. sa OCD Regional Office sa Calamba City, Laguna kahapon.
Tinalakay ang pagpapahusay ng early warning system, pagpapakilos ng mga volunteer, at mabilis na pagtugon at pagbangon mula sa sakuna.
Binigyang-pansin din ang maayos na pamamahala ng mga kagamitan at suplay para sa mga nangangailangan. Layon ng pagtutulungan ng dalawang tanggapan na palakasin ang kahandaan ng rehiyon at matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.