Isusulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang digital notarization upang mapadali at mapabilis ang pag-access ng publiko sa legal services.
Tinalakay ni DICT Secretary Robert Joseph Montes de Claro ang kahalagahan ng digital trust sa Twala Legal Tech Forum 2026 na ginanap sa Taguig City ngayong araw.
Binigyang-diin niya na mahalagang matiyak ang seguridad ng mga transaksyon habang pinapadali ang pagkuha ng mga serbisyo at hustisya.
Kasama rin sa forum sina First Lady Louise Araneta-Marcos, Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen, at Anti-Red Tape Authority Secretary Ernesto Perez.
Sinabi ni De Claro na magiging available din sa eGovPH Super App ang eNotarization upang mas mailapit sa mga Pilipino ang serbisyong digital notarization.

