Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development NCR na tumulong sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Super Typhoon Champi.
Kabilang sa mga inihahandang tulong ang family food packs, non-food items, at mga kahon ng ready-to-eat food upang matiyak ang agarang ayuda sa mga pamilyang maaaring maapektuhan ng bagyo.
Sa imbentaryo ng DSWD-NCR, aabot sa 45,879 family food packs, 5,305 non-food items, at 2,994 na kahon ng ready-to-eat food ang nakahanda at maaaring gamitin sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong komunidad.
Ayon sa DSWD NCR, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Disaster Response Management Division nito sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga pangangailangan ng bawat komunidad at matiyak ang maayos na koordinasyon sa pagtugon sa kalamidad.