Hiniling ng Department of Agriculture sa Senado ang P198.4-bilyong budget para sa 2027.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nahaharap ang mga magsasaka at mangingisda sa climate change at mataas na gastos sa produksyon.
Posibleng 4.6 milyong manggagawang agrikultura ang maapektuhan sa pinakamasamang sitwasyon dahil sa banta ng very strong El Niño.
Pangunahing paggagamitan ng pondo ang binhi, irigasyon, makabagong teknolohiya at mga farm-to-market road.
Layunin nitong mapataas ang produksyon, mabawasan ang pagkalugi at mapalakas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda.
Iginiit ni Tiu Laurel na mahalaga ang pamumuhunan sa agrikultura upang matiyak ang sapat at abot-kayang pagkain sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer