Photo courtesy of DSWD Secretary Rex Gatchalian Facebook
Nananatiling bukas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa puna at komento ng publiko kaugnay ng water filtration kit ng ahensiya.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, isa lamang ang balde filter sa napakaraming paghahanda at interbensiyon ng pamahalaan sa panahon ng sakuna lalo na sa El Niño.
Giit ng kalihim, na nakalinya ang iba’t ibang pamamaraan at programa ng DSWD upang makatulong sa mga maaapektuhan ng El Niño maging ng Bagyong Rosal upang matiyak ang kanilang kapakanan at kaligtasan.
Gayundin, puspusan ang isinasagawang pagtugon ng iba pang ahensiya ng pamahalaan sa mga sakuna tulad ng inaasahang matinding epekto ng El Niño at ng kinahaharap ngayong Bagyong Rosal.