Maaaring umabot sa mahigit isang bilyong piso ang “commitment fees” o kickback na naihatid umano kay dating House Committee on Appropriations Chairperson Zaldy Co, batay sa testimonya ng testigo ng prosekusyon na si Wilt Walter Rosales.
Humarap si Rosales, dating personal assistant ni dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Sandiganbayan 3rd Division sa bail petition ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Rosales, naganap ang paghahatid ng pera mula 2022 hanggang 2024.
Walong beses umano itong nangyari: tatlo sa bahay ni Co sa Taguig, at lima sa bahay nito sa Pasig.
Noong 2022, nakalagay umano ang pera sa mga Durabox, pero maleta na ang ginamit simula 2023.
Ibinunyag din ni Rosales na may mga acknowledgement receipt (AR) na nagtatala ng halaga ng bawat naihatid na pera, na pinipirmahan ng mga tauhan ni Co.
Pagkatapos ng bawat delivery, ipinasisira at ipinatatapon umano ni Alcantara ang mga AR.
Sinabi rin ni Rosales na hindi niya alam kung para saan ang pera, at wala siyang nalalaman tungkol sa mga proyekto sa Leyte, ang probinsya ni Romualdez. | ulat ni Diane Lear