CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v62), quality = 90?
Walang-patid ang paghahandang isinasagawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa inaasahang pagtama ng matinding El Niño sa bansa.
Sa panayam ng Juan Trabaho kay MWSS Spokesperson, Engr. Patrick Dizon, 2019 pa lang ay pinaghahandaan na nila ang El Niño upang hindi na maging malala ang maranasang water shortage sa bansa.
Sa katunayan ay naikasa na ang mga tinatawag na water security pillar projects na nauna nang inaprubahan ng board of trustees ng MWSS.
Kabilang nga dito ang re-engineering ng umiiral ng water system kung saan dalawang bagong system tunnels na ang nadagdag.
Kasado na rin ang iba pang water sources na itinatayo ng MWSS upang hindi na solong iasa sa Angat Dam ang suplay ng tubig sa Metro Manila.
Kabilang sa water sources na ito ang Laguna Lake, Wawa Dam, treatment plants sa Cavite at iba pa.
Pagdating sa long-term water source project ay patuloy ang pagtatayo ng kaliwa’t kanang dam project na labis na makatutulong sa Metro Manila oras na matapos ito.