NBI, nakikipag-ugnayan na sa mga awtoridad ng Laos kaugnay ng isang Pilipinong pilotong sangkot diumano sa mga kaso ng pagpupuslit ng ilegal na droga
Kinumpirma ni NBI Director Atty. Melvin Matibag na nakikipag-ugnayan na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga awtoridad ng Laos kaugnay ng isang Pilipinong piloto na sangkot diumano sa mga kaso ng ilegal na droga.
Ayon kay Matibag, nakikipag-ugnayan na rin siya sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang maipagpatuloy ang masusing imbestigasyon katuwang ang pamahalaan ng Laos.
Muli namang tiniyak ni Director Matibag na tututukan nila ang nasabing kaso at pananagutin sa ilalim ng batas ang mismong may sala. | ulat ni Aj Ignacio