Pansamantalang sususpindihin ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay ang ilang aktibidad at magpapatupad ng lockdown sa ilang komunidad bilang paghahanda sa 49th ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong na gaganapin sa November.
Batay sa memorandum na may petsang October 20, 2026, ipatutupad ang mga hakbang sa paligid ng Philippine International Convention Center (PICC), Roxas Boulevard, at iba pang maaapektuhang lugar upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko, seguridad, at kaligtasan ng publiko.
Hindi rin papayagan ang mga fun run upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa lungsod.
Patuloy namang nakaantabay ang emergency response team ng lungsod upang tumugon sa anumang hindi inaasahang insidente. | ulat ni Aj Ignacio