Pumalo sa ₱11.6 billion na halaga ng smuggled agricultural products ang nasabat ng pamahalaan mula sa 67 na operasyong isinagawa nito sa loob ng 17 buwan.
Ayon sa Office of the Executive Secretary (OES), kasunod ito ng naging utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang kampaniya kontra economic sabotage.
Nagresulta rin ang kampaniyang ito sa pagsasampa ng criminal complaints laban sa 218 indibidwal. Pangako ng Palasyo, maisisilbi ang hustisya.
“Ayon sa utos ng Pangulo, lalo pa nating palalakasin ang enforcement machinery. Walang lungga ang smuggling sa isang bansang nagtatanggol sa kabuhayan ng Pilipino,” — ES Recto.
Sabi ng OES, ang malawakang operasyon na ito, simula February 2025 hanggang Hulyo 2026 ay sumasalamin lamang sa dedikasyon ng administrasyon na protektahan ang mga Pilipinong magsasaka at mangingisda laban sa hindi patas na kompetisyon.
Gayundin upang protektahan ang mga consumer mula sa hindi ligtas na pagkain.
“Smugglers do not only evade duties but food safety checks. We should not let degraded food meant for dumpsters in other countries end up in our own tables,” — ES Recto.
Pinangangambahan ni Executive Secretary Ralph Recto na gamitin ng mga smugglers ang pagkakataon na makararanas ng matinding tagtuyot ng bansa, upang pabahain ng ilegal na agri products ang merkado.
“Crisis creates opportunities, and when water shortage looms, the smugglers see this as a cue to flood the market with their illicit products.” — ES Recto.
Sabi ng kalihim, ang pagpapalakas sa domestic production ay nananatiling prayoridad na polisiya ng gobyerno tungo sa food security.
“Pero kung may kulang, i-angkat lang batay sa masusing pag-aaral ang tama – tamang bilang at sa tamang panahon. Sakto, hindi sobra. At hindi sa panahon ng anihan, pero sa panahong kulang ang supply,“ — Recto.
Si Pangulong Marcos, pinatututukan aniya ang pagpapalakas sa produksyon kasabay ng pagtuldok sa agri smuggling.
“The President wants escalation on two fronts. The first is to boost production, more so that every year we are adding 1.5 million to our population, and that is the demographic reality. And the second is to curb smuggling because it disincentives local production,“ — Recto.
Ang pamahalaan aniya, kaliwa’t kanan ang ginagawang aksyon laban sa agri smuggling at iba pang porma ng economic sabotage.
“One particular challenge is how to tap information technologies to plug our porous borders along our long coastline, and render this inhospitable to smugglers. The administration is moving from sporadic crackdowns to a sustained, intelligence-driven campaign against the networks behind agricultural smuggling and other forms of economic sabotage,” — ES Recto.