Umaapela ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaherong uuwi sa kanilang probinsya para sa Undas na ngayon pa lamang, mag-book na ng kanilang ticket, mapa-bus man o barko.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni MMDA Traffic Enforcement Group Director Victor Nunez na mainam kung iwasan na ang pagiging chance passenger, o iyong mga pasahero na wala pang reservation o ticket.
Sa ganitong paraan, maiiwasan ang overcrowding at matagal na paghihintay sa mga terminal o mga pantalan.
Aniya, para sa mga mayroong balak na umuwi ng probinsya, mainam na habang maaga pa ay sigurado na ang kanilang ticket at hindi na kailangang magbakasakali pa sa mismong araw ng kanilang pag-alis.