Pinag-iingat ng Embahada ng Pilipinas sa Rome ang mga Pilipino sa Italy dahil sa inaasahang serye ng mga malalaking kilos-protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa Sabado, October 24.
Kabilang sa mga lungsod na inaasahang dadagsain ng mga demonstrasyon ang Rome, Milan, Florence, Turin, Bologna,Padua, Bari, at Genoa.
Bagamat karamihan sa mga kilos-protesta ay mapayapa posible pa rin aniya na magkaroon ng alitan sa pagitan ng mga raliyista at mga pulis, kaya pinag-iingat ang mga Pilipino roon.
Pinapayuhan ang mga Pilipino na iwasan ang mga lugar na may rally, mag-imbak ng sapat na pagkain at gamot sa bahay, at maging alerto sa posibleng gulo, kaguluhan sa trapiko, at aberya sa pampublikong sasakyan.
Siguraduhin din na naka-charge ang mobile phones at may koneksyon sa mga kaanak sa Pilipinas.
Sakaling magkaroon ng emergency, agad tumawag sa Italian emergency hotline 112, o makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Rome o Consulate General sa Milan.
