Ginarantiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na handang-handa na ang pamahalaan sa Super El Niño na nagsisimula na aniyang maramdaman.
Sa inagurasyon ng Tugbong Solar Pump Irrigation Project sa Tugbong, Kananga, Leyte na pinangunahan ng Pangulo ay sinabi nitong mas preparado ngayon ang gobyerno kumpara sa El Niño na tumama sa bansa noong 2024 na kung saan ay siyam na buwang walang naranasang ulan.
Mas mataas na aniya ang antas ng mga dam kumpara ng mga panahong iyon na maaari ring pagkunan ng kuryente ang mga dam sa pamamagitan ng hydroelectric power.
Marami pa din aniyang mga hinuhukay na mga sweep para sa masa marami pang patubig.
Lahat ng paraan sabi ng Pangulo ay ginagawa ng pamahalan para mapatibay pa ang sistema ng patubig at suplay ng tubig.