Asahan na ang paglakas pa ng laban ng pamahalaan sa mga peke at maling balita.
Ito ayon kay Communications Secretary Lino Cayetano ay dahil paiigtingin ng Presidential Communications Office (PCO) ang Presidential Anti-Fake News Desk, sa pamamagitan ng mas mahigpit na koordinasyon sa media.
Sabi ng kalihim, gagawa sila ng isang sistema, kung saan sa oras ma maglabas ang PCO ng isang validated fake news, magiging madali para sa media na i-validate at isapubliko ito.
Aniya, hindi kasi maikakaila na hindi lamang ang publiko ang nabibiktima ng fake news. May mga pagkakataon aniya na mismong ang media, kahit iyong mga pinaka-respetado ay nabibiktima nito, dahil sa sistematikong effort ang ilang grupo para sa pagpapakalat ng maling impormasyon.
“Mayroon recently, I think about two weeks ago, umabot ng mga dalawang araw, umikot ang fake news bago vinalidate ng isang network na fake iyong news na iyon. Pero tinamaan ang kredibilidad ng isang institusyon na iyon, well-respected media organization.” — Cayetano.
Isa aniya sa mga tinitignan nilang hakbang, iyong una nang ginawa ng Facebook nagkaroon sila ng media partner para sa validation.
“The best people to validate fake news is kayo (media) rin. So we’ll have a system. We’ll strengthen the partnership with the private sector and state media.” — Cayetano.