Courtesy of Rep. Benny Abante/FB
Pinaiimbestigahan ni Manila 6th District Rep. Benny Abante ang nasa 5 hanggang 10 vlogger sa National Bureau of Investigation.
Personal na dumulog si Abante sa tanggapan ni NBI Director Atty. Melvin Matibag, kasama ang anak na si House spokesperson Princess Abante.
Sinabi ng kongresista na ‘below the belt’ na ang mga paninira, kasinungalinga’t kalokohan na ibinabato sa kaniya sa social media.
Partikular niyang tinukoy ang blind item na nagsabing isang pastor umano ang na-ban sa dalawang golf club dahil sa panghihipo.
Desidido si Abante na magsampa ng reklamong cyber libel oras na matukoy na ang mga nasa likod ng umano’y character assassination laban sa kaniya.