Hinimok ng National Council on Disability Affairs ang mga lokal na pamahalaan na higpitan ang proseso ng paglalabas ng Persons with Disability (PWD) ID.
Kasunod ito ng pambansang pagsasanay sa paggamit ng Unified PWD ID System.
Layunin nitong maiwasan ang paglalabas ng ID sa mga hindi kwalipikado at ang pagdami ng mga pekeng card.
Kabilang sa dapat tiyakin ang balidong medical certificate, kumpletong dokumento, at tamang impormasyon ng mga aplikante.
Dapat ding magkaroon ng mga sinanay na kawani at IT personnel ang bawat lokal na pamahalaan para matiyak ang maayos na paggamit ng sistema.
Ayon sa NCDA, makatutulong ito sa pagpapatunay ng mga lehitimong PWD at pagprotekta sa mga benepisyong nakalaan para sa kanila.