Inilunsad ngayong araw sa Makati City ng iba’t ibang ahensya ng Gobyerno ang “Digital Dialouge in Real Life” na layong protektahan ang mga kabataan laban sa banta ng social media.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng META, Department of Information and Communications Technology at Department of Education inaasahang iba’t ibang programa ang mabubuo upang mabawasan ang banta ng masamang impluwensya ng social media sa mga Kabataan.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara hindi sapat na ipagbawal lamang sa mga bata ang paggamit ng social media, at hindi dapat iasa sa kanila ang kanilang seguridad online kaya bumuo ang DepEd ng Kaagapay Parent Engagement Program upang gabayan ang mga magulang sa pagtukoy ng mga banta sa internet gaya ng cyberbullying, eksploytasyon, at maling impormasyon.
Para naman sa DICT importante na mabantayan ang nga kabataan mula sa pagaccess ng mapapanganib na website at platform kaya ito ang kanilang tututukan.
At ayon naman sa META Philippines inilipat na nila ang daan-daang milyong kabataan sa teenager accounts sa facebook messenger at instagram upang matutukan ng mga magulang ang paggamit ng social media ng kanilang mga anak.
Naniniwala naman ang pamahalaan ang dialouge ay hindi lang basta pagbuo ng programa kundi layon ding gabayan ang nga magulang na magkaroon ng sapat na kaalaman kung paano tuturuan ang kanilang mga anak kaya dumalo rin sa paglulunsad ng dayalogo ang mga magulang, kabataan at iba pa.