Hindi politika ang batayan ng pagpapalitan ng puwesto nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Giovanni Lopez.
Kung matatandaan, ngayong araw, inanunsiyo ng Presidential Communications Office (PCO) na balik na si Dizon bilang kalihim ng DOTr, habang si Lopez naman ang mamumuno sa DPWH.
Ayon kay PCO Acting Secretary Lino Cayetano, palaging nakabatay sa pangangailangan ng mga ahensya at mga repormang nais ipatupad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga desisyon nito sa gabinete.
Hindi aniya sa mga batikos laban sa mga opisyal.
Mas mahalaga aniya sa Pangulo ang mga pangmatagalang solusyon na magpapabago sa sistema at magpapabilis sa paghahatid ng serbisyo sa publiko.
Pagbibigay diin ng kalihim, kapwa mahusay sina Dizon at Lopez, habang patuloy na sinusuri ng Pangulo ang performance ng mga ahensya upang matiyak na nakikinabang ang publiko sa mga programa ng pamahalaan.