Umaasa at nananalangin si Senate Committee on Public Order Chairman Senador Ping Lacson na magiging mapayapa ang pag-aresto kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, sakaling matuloy ito, at walang buhay na malalagay sa panganib.
Sa isang pahayag, iginiit ni Lacson na karapatan ng bawat tao, kabilang si Dela Rosa, ang due process anumang paratang ang kinakaharap nito.
Kinuwestiyon din ng senador ang pangangailangan sa pabuya para sa pagkakaaresto kay dela rosa kung may matibay nang impormasyon ang mga awtoridad sa kinaroroonan ni nito.
Gayunman, sinabi niyang nais niyang maniwalang may sapat na impormasyon na ang mga otoridad, lalo ang PNP, dito.
Pinabulaanan rin ni Lacson ang mga espekulasyong ang pabuya at ultimatum na pagsuko ay sadyang itinakda para pigilan si Dela Rosa na bumoto sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Aniya, hindi na kasalukuyang nakikilahok sa paglilitis si senator bato dahil nagtatago ito. | ulat ni Nimfa Asuncion