Handang-handa ang House prosecution panel sakaling iharap ng depensa si VP Sara Duterte sa witness stand.
Inihayag ni House impeachment adviser at trial spokesperson Rep. Ace Barbers na welcome ng prosekusyon ang posibilidad na personal na sagutin ng Bise Presidente ang natitirang mga akusasyon ukol sa umano’y hindi maipaliwanag na kayamanan (unexplained wealth), hindi idineklarang ari-arian, at ipinagbabawal na interes sa negosyo.
Ayon kay Barbers, ang pagharap mismo ni Duterte sa impeachment court ay magbibigay ng pagkakataon sa prosekusyon upang busisiin under oath ang kaniyang mga paliwanag ukol sa mga kahina-hinalang pinansyal na transaksyon at deklarasyon.
Anya, matagal nang pinaghahandaan ng kanilang kampo ang pag-cross-examine sa kanya.
Nagpaalala din si Barbers sa depensa sa malaking hamon na ipaliwanag ang discrepancies sa pagitan ng mga opisyal na opisyal na deklarasyon ni Duterte sa SALN at ng tunay na pondo sa kaniyang bank accounts. Muling pinagtibay ni Barbers na nakatutok ang panel sa pagbusisi sa mga ihaharap na testigo at ebidensya ng depensa sa pagpapatuloy ng Senate Impeachment Trial sa Nobyembre 9.