Naniniwala si House impeachment adviser at trial spokesperson Rep. Ace Barbers at Bantay Senado convenor at human rights lawyer Dino de Leon, na hind maabsuwelto si VP Sara Duterte sa paggamit ng “prenuptial agreement” para ipaliwanag ang alegasyon ng unexplained wealth.
Ayon sa dalawa, kung sakali mang umiiral ang kasunduan sa paghihiwalay ng ari-arian ng mag-asawa, hindi pa rin nito masasagot ang mga alegasyon ukol sa sariling mga deklarasyon sa kanyang SALN.
Ayon kay Barbers, ang mga akusasyon ng unexplained wealth, bigong pagdivest sa mga negosyo at hindi tapat na deklarasyon ng kanyang ariarian sa SALN ay hiwalay sa usapin sa “prenup”.
Kinuwestiyon din niya kung bakit ngayon lang lumilitaw ang usapin ng prenup.
Nagpahayag din ng pagduda si Atty. De Leon ukol sa legalidad at rehistro ng umano’y kasunduan. Aniya, ayon sa batas, ang mga marriage settlement ay kailangang nakarehistro at nakatala sa marriage certificate upang magkaroon ng bisa laban sa ibang partido.