Umabot na sa mahigit 433,000 indibidwal ang apektado ng El Niño sa limang rehiyon sa bansa.
Batay sa ulat ng Department of Social Welfare and Development- Disaster Response Operations, Monitoring and Information Center, hanggang kagabi, nasa 1,501 ang mga apektadong barangay sa Regions II, CALABARZON, MIMAROPA, Region V, at CARAGA.
Kabilang sa mga apektado ang mahigit 147,000 pamilya, o katumbas ng 433,000 indibidwal.
Samantala, umabot na sa mahigit ₱179 milyon ang naipamahaging humanitarian assistance ng DSWD.
Ayon sa DSWD, mayroon pang mahigit ₱4 bilyong halaga ng relief resources na nakahanda para sa pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad.