Abiso mula sa Department of Transportation (DOTr).
Pansamantalang isasara ang innermost lane ng westbound ng Commonwealth Avenue, katabi ng University Avenue sa Quezon City, mula ngayong araw October 27 hanggang October 29, 2026, araw ng Huwebes.
Ayon sa DOTr, isasagawa ang pansamantalang pagsasara tuwing alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw upang bigyang-daan ang unloading at lifting ng mga elevator at escalator na gagamitin sa MRT-7.
Samantala, mananatili namang bukas at madaraanan ang limang lane ng kalsada habang isinasagawa ang nasabing aktibidad.
Hinihiling naman ng DOTr at SMC Mass Rail Transit 7 Inc. sa publiko ang pakikiisa at pang-unawa sa pansamantalang abalang idudulot ng naturang aktibidad.