Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko hinggil sa mga naglipanang hindi rehistradong mga luncheon meat na ibinebenta sa merkado.
Ito’y makaraang masabat kamakailan ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Food and Drug Administration (FDA) ang isang bodega Brgy. Cutcut, Angeles City, Pampanga
Nabatid na naglalaman ito ng kahon-kahong Korean luncheon meat na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso ngunit pawang mga hindi rehistrado.
Ayon ay CIDG Director, Police Maj. Gen. Robert Alexander Morico II, pawang hindi rehistrado ang mga naturang luncheon meat na nahuling ibinebenta ng 17-taong gulang na menor-de-edad.
Kasalukuyan namang pinaghahanap ang may-ari ng bodega na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9711 o ang Food and Drug Administration Act of 2009.

