Photo courtesy of Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
Patuloy ang paghahatid ng tulong ng pamahalaan sa mga overseas Filipino worker (OFWs) na apektado ng security situation sa Saudi Arabia.
Batay sa datos ng Department of Migrant Workers (DMW), aabot sa mahigit 4,000 OFWs ang natulungan habang nasa mahigit 5,400 na mga serbisyo ang naipagkaloob sa mga apektado.
Kabilang dito ang pagkain, gamot, matutuluyan, transportasyon, at tulong pinansyal gayundin ang repatriation o ang ligtas na pagpapauwi sa Pilipinas.
Ayon sa DMW, nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga Bagong Bayani sa ilalim ng “Saving Lives” component ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, Transport (UPLIFT) initiative.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang maiiwan na mga OFW sa pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan.
