Kaisa ng PhilHealth ang National Council on Disability Affairs (NCDA) sa pagpapalawak ng mabilis at inklusibong serbisyong pangkalusugan para sa mga taong may kapansanan.
Sa ilalim ng PhilHealth Circular Number 2026-0017, awtomatikong saklaw ng National Health Insurance Program ang mga kwalipikadong PWD.
Itinataguyod din ng NCDA ang paggamit ng Unified Persons with Disability ID System (UPWDIS) para mapadali ang pagkilala at beripikasyon sa mga PWD at kanilang kwalipikadong dependent.
Layunin nitong matiyak na walang PWD ang maiiwan sa pagtanggap ng serbisyong pangkalusugan at mga benepisyong nararapat sa kanila.