Rear Admiral Tarriela hindi muna magkokomento kaugnay sa isinampang reklamo sa kanya sa NBI ni dating Professor Clarita Carlos
Hindi muna magsasalita si Rear Admiral Tarriela kaugnay sa isinampang reklamo sa kanya sa NBI ni dating Professor Clarita Carlos.
Ayon kay Tarriela hindi pa niya natatanggap at nababasa ang reklamong inihain sa kanya at sa media niya nalang naman ang nasabing impormasyon.
Gayunman nakahanda umano siyang sumagot sa pamamagitan ng tamang legal na proseso oras na matanggap ang pormal na abiso.
Tiwala ang opisyal sa propesyonalismo ng NBI at sa proseso nito. | ulat ni DK Zarate