Muling itataas ang Red at Yellow alert status sa Visayas Grid ngayong araw batay sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Batay sa abiso ng NGCP, iiral ang Red alert status sa Visayas Grid mula mamayang ala-5 ng hapon hanggang ala-6 ng gabi.
Pero bago iyan, itataas ang Yellow alert status mula alas-4 hanggang ala-5 ng hapon at masusundan naman ng ala-6 hanggang alas-8 ng gabi.
Nabatid na 15 ang bagsak habang nasa 16 na planta naman ang bagaman gumagana pero nasa derated o kulang na kapasidad.
Itinataas ang Red at Yellow alert kapag hindi naaabot ng operating margin ang contingency requirement ng transmission grid.
Nananatili namang normal ang sitwasyon ng Luzon at Mindanao Grid.