Nagpadala ang Saudi Arabia, Pakistan, at Türkiye ng kani-kanilang top security officials sa Iran.
Si Saudi Prince Khalid Bin Salman kasama ang Pakistani Military Chief Asim Munir at Turkish Intelligence Chief Ibrahim Kalim nakipagpulong sa mga Top Iranian Officials.
Ang pag-uusap ng mga nasabing bansa ay para sa de-escalation sa Gitnang Silangan upang makamit ang isang regional security framework.
Ang pagpupulong ay sa likod na din ng espekulasyon ng panibagong pag-atake ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran na lalong magbabaon sa nasabing rehiyon sa kaguluhan.