Walang rebeldeng grupo sa Pilipinas na kayang magsagawa ng malaking pag-atake na posibleng magdulot ng seryosong banta sa pamahalaan.
Ginawa ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla ang pahayag matapos lumutang ang pangamba sa seguridad nang sabihin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na posibleng libo-libo ang mamatay sa operasyon kapag inaresto si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.
Sinasabi kasing protektado ang senador ng isang armado at makapangyarihang grupo.
Gayunman, sinabi ng AFP na kumokonti na ang mga rebelde sa bansa at dumarami ang mga lugar na insurgency-free o cleared sa insurgent activity.
Handa naman ang militar na tumulong sa PNP kung kinakailangan, gayundin sa pagbibigay ng intelligence gathering at operational assistance sa pulisya.